Sa tuwing nagbubukas ang semestre ay lagi kong tinatanong sa aking mga kamag-aral sa kolehiyo ang katanungang ito: “Bakit ba ikaw ay nasa paaaralang ito”? Iba’t – iba ang mga kasagutang naririnig ko subalit nailalagay ko ito sa dalawang kategorya lamang. Una ay ang mga estudyanteng malinaw sa kanilang mga isipan ang nais nilang gawin sa kanilang mga buhay , at ang ikalawa ay ang mga tila tupang wala sa sarili at naliligaw. Sa mga estudyante sa unang kategorya, karaniwan nilang sagot ay kasi po gusto kong maging isang guro o di kaya’y computer expert pagkatapos ng apat o limang taon. Subalit para doon sa mga nasa ikalawa kategorya, ang madalas na makita sa kanilang mga mukha ay pag-aalinlangan, pag-iling ng kanilang mga ulo, pagkibit ng balikat at pagsasabing “hindi ko nga po alam kung bakit ko kinuha ang kursong ito eh… bahala na, maganda namang pakinggan, para ng big time ang dating.
Dito sa ating bansa ay napakalaki ng pagtingin natin sa mga taong nakakapagtapos ng kurso, lalo pa ito ay apat o di kaya’y limang taon. Kaya naman bawat magulang sy ginagawa ang lahat ng makakaya – mangutang sa kaibigan, sa 5-6, magsanla ng lupa at kalabaw, at kung anu- ano pa masigurado lang ang pang-matrikula ng anak para makatapos ito hindi ko minsan maiwasan ang malungkot at mainis sa tuwing makakarinig ako ng ganitong uri ng sagot – mga sagot na nagpapakita ng pagsasawalang bahala na nagdudulot ng napakaraming pag-aaksaya ng panahon, pagod , salapi, at higit sa lahat sa pagtitiwala ng mga magulang.
Ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakitt nga ba siya nasa paaralan ito. Ang halos labing – anim na taong inilalagi n g bawat estudyanteng Pinoy mula sa kinder 1 hanggang siya’y makapatapos ng college ay napakahabang panahon, ay sayang kung sa loob ng mga taong ito ay wala itong natutunan o napala dito. Ang bawat panahong nagdaraan ay hindi na maibabalik kailanman at ang ating buhay ay napaka-ikli “Parang aso - sandaling lumilitaw at pagdaka’ y nawawala.” (Santiago 4:14). Pagpapaunlad sa sarili ang isa sa mga layunin ng ating pag – aaral.
Karaniwan na nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman na maibibigay nila sa atin at hindi ito makukuha ng sino man. Bukod sa pagpapaunlad ng ating sarili, tayo ay may tungkulin din sa ating kapwa. sabi nga ni Jesus.. “Ibigin mo ang iyong kpawa, gaya ng iyong sarili.”(Mateo 22:39).
Kung bawat Estudyante ay pagbubutihin ang kanyang pag-aaral at tatapusin ang anumang kursong nais, makakatulong ito nang malaki sa kanyang kapwa pagsapit ng takdang panahon. Salamat sa mga guro, doktor, nurse, engineer, nga kawani ng gobyerno at iba pa na nagsikap at nagtiyagang tapusin ang kanilang mga pag-aaral at nakakatulong ng malaki sa ating bansa ngayon. Syempre pa ay hindi natin makakalimutan ang pakiramdam na ikaw naman ang nag-aabot ng kaunting pera at tumutulong ng sa iyong mga magulang at mga taong nagsikap upang ikaw ay makapagtapos.
Kung ikaw ay isa sa mga Estudyante ngayon, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang makapagtapos. Alalahanin mo sana na ang makapag-aral, bagama’t ito ay dapat na karapatan ng bawat tao, ay kasalukuyang pribilehiyo sa ating bansa. Napakaraming tao ang gagawin ang lahat, maranasan lamang ang hirap mo ngayon sa Algebra o di kaya’y sa pagbabasa mo ng makakapal na libro sa science. Ang mag-aral ay karapatan, subalit kaloob ng Diyos ang kaunawaan….
Tags: BHS, ERDA, Human Resource Management, Pag-aaral at Pagpili ng Kurso





tnx, nagamit ko to sa research paper ko .. ia-acknowledge nlng po kta
Godbless
thanks…