No Retreat, No Surrender

30 Nov

Sa isang paligsahan sa paglangoy, maraming manlalangoy ang nakikilahok, umaasang sila ang mag-uuwi ng tropeo. Sa hubog ng katawan ng mga swimmer, Kapansin-pansin sila’y naghanda para sa paligsahang ito, Paghudyat ng referee, bawat manlalangoy mabilis na nag-uumpisa sa  kanilang paglangoy , at kapansin-pansin naang bawat isa’y buong sigla pinamamalas ang kanilang kahusayan, subalit….

paglipas ng ilang minuto, isang swimmer ang huminto sa kanyang paglangoy dahil sya ay pinulikat at nahirapan nang lumangoy. Marami ang sumali sa nasabing paligsahan, subalit iilan lamang ang nakatapos. Isang manlalangoy ang pinakahuling nakatapos; bagamat hirap na hirap, pinilit pa rin nyang makaabot sa takdang hangganan at habang sya’y nagpapahinga isang reporter ang lumapit sa kanya at sya’y kinapanayam,  “Anong nangyari, Bakit ikaw ang pinakahuli..?” sumagot sya at sinabi “pinulikat ako at halos di ko na kaya, subalit naisip ko na dapat kong tapusin ang aking paglangoy sapagkat maraming tao ang naniniwala sa akin na matatapos ko ito, kaya pinilit; kahit ako’y huli, ang mahalaga natapos ko…”

Ang buhay ng tao ay parang sports; punung puno ng pakikipagtunggali, pakikibaka at adventure. At sa larangan ng sports kinakailangan ng paghahanda, disiplina at mahabang panahon ng pagsasanay. Ang anumang paligsahan ng buhay tayo kasali, dapat nating maunawaan na sa isang pakikibaka, may nananalo, may natatalo at mayroon ding sumusuko. Maraming natatalo ang naghihinagpis at sumasama ang kalooban. At syempre, walang sumusuko na nakakatanggap ng gantimpala. Samantala, masaya naman ang mga nananalo.

Ngunit hindi tumitigil ang paligsahan sa isang aspeto lang ng buhay, kahit ito’y napagtagumpayan na. Araw – araw ay patuloy ang ating pakikibaka at mahalagang maintindihan natin na kahit gaano kahirap ang takbuhin, kailangang magpatuloy tayo upang makamit ang nakalaang gantimpala sa mga makatatapos nito.

Mahalaga ang disiplina sa ating pakikilahok sa laro ng buhay.                                      ( 1 Corinto 9:24- 27) http://www.biblegateway.com/passage/?search=1+Corinthians+9%3A23-27&version=NIV

kailangan ding maglaro tayo ayon sa mga tuntunin ng patimpalak.                          (1 timoteo 2:4)     http://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Timothy%202:1-4&version=NIV

upang sa bandang huli’y masabi nating….                                                                         (2 Timoteo 4:7) http://www.biblegateway.com/passage/?search=2%20Timothy%204:7&version=NIV

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: